Nilagdaan nitong Enero 5, 2022, ng Tsina at Morocco ang kooperatibong plano hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI).
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Enero 6, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Morocco ay unang bansa sa rehiyon ng Hilagang Aprika na lumagda ng kooperatibong plano ng BRI. Nakahanda ang Tsina na sa pamamagitan ng pagkakataong ito, aktuwal na pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng BRI sa rehiyon ng Kanlurang Asya at Hilagang Aprika, na pakikinabangan ng mga mamamayan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac