Sa kanyang talumpating pambagong taon 2022, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na magsisikap ang Tsina para ihandog ang kahanga-hangang Winter Olympics at Paralympics sa komunidad ng daigdig.
Pagkatapos ng bagong taon, pinuntahan ni Pangulong Xi ang mga pasilidad ng Winter Olympics at Paralympics.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Enero 6, 2022, ni Wang Wenbing, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng Tsina sa paghahanda para sa Winter Olympics, at ipinadala ang tatlong mahalagang signal sa komunidad ng daigdig.
Una, pinahahalagahan ng Tsina ang pangako nito. Binigyan-diin ni Pangulong Xi na ang pagsasagawa ng mabuting Winter Olympics at Paralympics, ay solemnang pangako ng Tsina sa buong daigdig.
Ikalawa, handa na ang Tsina para sa Olympics.
Ikatlo, sa gitna ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nananatiling may kompiyansa ang Tsina sa pagdaraos ng ligtas na Winter Olympics at Paralympics.
Salin:Sarah
Pulido:Mac