IOC at Beijing Olympic Committee, mahigpit na nagkokooperasyunan para sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympic Games

2021-11-03 16:39:26  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakailan ang Ika-6 na Pulong ng International Olympic Committee (IOC) Coordination Commission para sa Beijing 2022 Winter Olympic Games.

 

Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Cai Qi, Tagapangulo ng Beijing Organizing Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games na ang Beijing 2022 Olympic and Paralympic Winter Games ay mahalagang aktibidad sa importanteng yugtong pangkasaysayan ng Tsina. Lubos itong pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino, at madalas na isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mahalagang instruksyon kaugnay nito na tumutukoy sa direksyon para sa iba’t ibang kaukulang gawain.

 

Sa kasalukuyan, handa na ang iba’t ibang gawain kaugnay ng Winter Olympics, ani Cai.

 

Samantala, sa kanya namang talumpati, pinapurihan ni Juan Antonio Samaranch, Tagapangulo ng  Beijing 2022 Coordination Commission ng IOC, ang gawain ng paghahanda para rito.

 

Sinabi pa niya na patuloy at mahigpit na nagtutulungan ang IOC at Beijing Organizing Committee para igarantiya ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympic Games.

IOC at Beijing Olympic Committee, mahigpit na nagkokooperasyunan para sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympic Games_fororder_02olympic

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method