Nakipagtagpo kahapon, Enero 6, 2022 local time, sa Mombasa, ikalawang pinakamalaking lunsod ng Kenya, si Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa pagtatagpo, ipinaabot ni Kenyatta ang kanyang pangungumusta kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Kenyatta na ang Tsina at Kenya ay hindi lamang matapat na magkaibigan, kundi mahigpit ding partners sa kooperasyon at pag-unlad. Iginagalang ng Tsina at Kenya sa isa’t isa. Nakahanda ang Kenya na magsikap, kasama ng Tsina, para patuloy na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad. Lubos niyang inaasahan ang magandang kinabukasan ng relasyong Tsina at Kenya.
Ipinaabot naman ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi kay Pangulong Kenyatta. Sinabi ni Wang na, ang kanyang pagdalaw sa Aprika sa pagsisimula ng bagong taon, ay nagpapadala ng tatlong maliwanag na signal.
Una, buong tatag na susuportahan ng Tsina ang Aprika sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ikalawa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kenya, para palakasin ang komprehensibong kooperasyon. At ikatlo, lalo pang palalakasin ng Tsina at Kenya ang koordinasyon sa mga multilateral na suliraning pandaigdig.
Bukod dito, isinalaysay din ni Wang ang “Initiative of Peaceful Development in the Horn of Africa” na inilahad ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag ni Kenyatta na ang inisyatibang ito ay angkop sa kahilingan ng iba’t ibang bansa ng Horn of Africa, at nakahanda ang Kenyang gumanap ng papel para rito.
Nang araw ring iyon, nag-usap din sina Wang Yi at Cabinet Secretary for Foreign Affairs Raychelle Omamo ng Kenya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac