Sa kauna-kaunang pagkakataon, naisaoperasyon Enero 10, 2022 ang Lancang-Mekong Express ng China-Laos Railway.
Sa pamamagitan nito, 26 na oras na lamang ngayon ang haba ng paglalakbay mula lunsod Kunming ng lalawigang Yunnan,Tsina, papuntang lunsod Vientiane ng Laos.
Kasabay ng opisyal na pagkakabisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), matatag na lumalaki ang bolyum ng mga dinadalang paninda ng China-Laos Railway.
Kabilang sa destinasyon ng China-Laos Railway ay mahigit 10 bansa at rehiyong tulad ng Thailand, Myanmar, Laos, Malaysia, Kambodya, Singapore, Bangladesh at iba pa.
Ibinibigay nito ang positibong ambag para sa muling pagtatayo ng delivery chain ng Lancang-Mekong Subregion, at paggarantiya ng katatagan ng supply chain at trade chain ng buong dagidig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio