Kasabay ng pagsasaoperasyon ng China-Laos Railway noong Disyembre 3, nai-ugnay ang Kunming ng Tsina at Vientiane ng Laos.
Hanggang sa kasalukuyan, dahil sa naturang daambakal, naihatid na ang mga panindang nagkakahalaga ng 100 milyong yuan RMB o $USD15.7 milyon.
Sa kanyang talumpati sa isang pulong ng Center for China & Globalization (CCG), ipinahayag ni David Lampton, isang iskolar mula sa Foreign Policy Institute ng Johns Hopkins School of Advanced International Studies (SAIS), na ang operasyon ng China-Laos Railway ay makakabuti sa pagpapatupad ng mas malawak at mas maginhawang komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng Tsina, Laos at ibang bansa ng Timogsilangang Asya.
Aniya pa, tiyak ding makikinabang dito ang mga mamamayan sa kahabaan ng linya ng tren.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio