FM ng Tsina at Rusya: palalimin ang estratehikong koordinasyon

2022-01-11 17:06:32  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Enero 10, 2022, kay Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa bagong taon, patuloy na palalalimin ng Tsina ang “back to back” na estratehikong koordinasyon ng Tsina at Rusya para mapangalagaan ang makatuwirang kapakanan ng dalawang panig at kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.

FM ng Tsina at Rusya: palalimin ang estratehikong koordinasyon_fororder_02wangyi

Ani Wang, ang nalalapit na pagdalaw ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa Tsina at paglahok niya sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games ay hindi lamang kauna-unahang harapang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa nitong nakaraang ilang taon, ito rin ay napakahalagang pangyayari sa relasyong pandaigdig sa simula ng bagong taong ng 2022.

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para igarantiya ang kasiyahan at tagumpay ng pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa at pagtatamo ng maraming bunga, dagdag ni Wang.

 

Sa pag-uusap, nagpalitan ang dalawang panig ng palagay kaugnay ng kalagayan ng Kazakhstan. Ipinahayag ni Wang na bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council at mapagkaibigang kapitbansa sa Gitnang Asya, ang Tsina at Rusya ay dapat pigilan ang kaguluhan at digmaan sa Gitnang Asya.

 

Dapat pangmatagalang palalimin ng Tsina at Rusya ang koordinasyon at magkasamang tutulan ang pakiki-alam ng mga puwersang panlabas sa suliraning panloob ng mga bansa sa Gitnang Asya, diin ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method