Xi at Putin, nagpadala ng mensaheng pambagong taon sa isa't isa

2022-01-01 16:16:33  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Disyembre 31, 2021, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambagong taon sa isa't isa.

 

Nagpalitan ng pagbati ang dalawang lider para sa isa't isa at sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Ipinahayag din nila ang kahandaang pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at koordinadong partnership ng Tsina at Rusya, at palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, para pag-ibayuhin ang pag-unlad ng dalawang bansa, at bigyang-ambag ang pagbuo ng bagong modelo ng relasyong pandaigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Dagdag ng dalawang lider, ang 2022 ay taon ng pagpapalitang pampalakasan ng Tsina at Rusya, at ito ay magbubukas ng bagong kabanata sa relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method