Epekto ng COVID-19 sa Beijing Winter Olympics at Paralympics, kontrolado sa kabuuan

2022-01-12 16:19:54  CMG
Share with:

Sa kauna-unahang online news briefing na idinaos Enero 11, 2022 ng Beijing Organizing Committee ng 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, ipinahayag ni Huang Chun, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Organizing Committee sa Pagpigil at Pagkontrol sa Pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na mahigpit nilang sinusubaybayan ang pagkalat ng omicron variant.

Epekto ng COVID-19 sa Beijing Winter Olympics at Paralympics, kontrolado sa kabuuan_fororder_01olympic

Aniya, maalwan ang takbo ng itinakdang hakbangin ng paglaban sa COVID-19, at kontrolado sa kabuuan ang kalagayan sa ngayon.

 

Kasabay ng pagbabago sa situwasyon ng pandemiya, umiiral pa rin ang espasyo ng pagsasaayos sa patakaran ng pagkontrol sa COVID-19, dagdag ni Huang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method