Ang mga bungkos ng bulaklak na gagamitin sa Beijing 2022 Winter Olympic Games ay talagang kakaiba kumpara sa mga nagdaang olimpiyada, dahil sa halip na totoong bulaklak, yari sa lana o wool ang mga ipamimigay sa mga atleta.
Ayon sa ulat ng komiteng tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympic Games, hindi matutuyo ang mga bulaklak na gawa sa lana, at ang mga ito ay may mababang ng karbon sa preseso ng paggawa.
Ang mga lanang bulaklak, anang komite ay isang magandang pagpapakita ng ideya ng “Berdeng Olimpiyada.”
Ayon pa sa naturang komite, ang bungkos ay binubuo ng pitong magkakaibang lanang bulaklak na tulad ng rosas, liryo, osmanthus at berdeng oliba.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio