Ikinabalisa kamakailan ng ilang dayuhang organisasyong di-pampamahalaan kung maaapektuhan ba o hindi ng mga gawain kaugnay ng pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang kalayaan ng pag-uulat sa panahon ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 13, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malugod na tinatanggap ng Tsina ang pagbabalita ng mga media sa Beijing Winter Olympics, at malugod ding tatanggapin ang konstruktibong mungkahi ng mga media.
Pero, tinututulan ng Tsina ang pagdungis sa Tsina at Beijing Winter Olympics sa katwiran ng “kalayaan sa pamamahayag,” dagdag ni Wang.
Ani Wang, ang pagpapahigpit ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol ng COVID-19 ay naglalayong igarantiya ang kaligtasan ng mga tauhan, ito rin ang paunang kondisyon sa normal na pagbabalita sa mga mamamahayag.
Sa kasalukuyan, nananatiling masalimuot ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19, na nagdudulot ng kahirapan sa pagbabalita ng mga mamamahayag. Kaugnay nito, aktibong nagkokoordinasyon ang Beijing Organizing Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, International Olympic Committee, at International Paralympic Committee, para ipagkaloob hangga’t maaari ang tulong sa mga mamamahayag.
Salin:Sarah