Puhunang dayuhan sa Tsina noong 2021, lumikha ng bagong rekord

2022-01-14 17:44:09  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling estadistika na lumabas nitong Enero 13, 2022 mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang aktuwal na puhunang dayuhan na ginamit sa buong Tsina noong 2021 ay katumbas sa mahigit 1.14 trilyong yuan RMB. Lumaki ito ng 14.9% kumpara sa taong 2020, na lumikha muli ng bagong rekord sa kasaysayan.

 

Ayon sa estadistika, mabilis ang paglaki ng puhunang dayuhan sa industriya ng haytek at industriya ng serbisyo sa Tsina.

 

Mabilis ang paglaki ng pamumuhunan ng mga bansang kasapi ng Belt and Road Initiative na nasa 29.4% at ASEAN naman ay nagtala ng 29%, parehong mas mataas kumpara sa paglaki ng ibang bansa.

 

Sa taong 2022, lalo pang palalawakin ng Ministri ng Komersyo ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, palalakasin ang paggarantiya ng serbisyo sa mga kompanyang may puhunang dayuhan at proyekto, pabubutihin ang kapaligiran ng pamumuhunan ng mga kompanyang dayuhan, para mas mabisang magagamit ang mga puhunang dayuhan.

Puhunang dayuhan sa Tsina noong 2021, lumikha ng bagong rekord_fororder_02kabuhayan

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method