Pangunahing bisuwal na imahe ng 2022 Pestibal ng Tagsibo Gala ng CMG, ipinalabas

2022-01-16 10:53:09  CMG
Share with:

Pangunahing bisuwal na imahe ng 2022 Pestibal ng Tagsibo Gala ng CMG, ipinalabas_fororder_20220116gala660

Papalapit na ang Bagong Taong Tsino o Pestibal ng Tagsibol, at ayon sa Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryo ng Tsina, ang susunod na taon ay Taon ng Tigre.

Kaugnay nito, ipinalabas nitong Sabado, Enero 15, 2022, ng China Media Group (CMG) ang pangunahing bisuwal na imahe para sa 2022 Gala ng Pestibal ng Tagsibol na binubuo ng isang tigre at mga salitang “2022 Spring Festival Evening Gala ng CMG.”

Kabilang naman sa mga pangunahing kulay nito ay pula at ginto na nagpapakita ng kaligayahan ng tradisyonal na kapistahang Tsino.

Sa ilalim ng temang “kaligayahan at mabuting suwerte,” itatanghal sa nasabing gala ang napakagandang anyo ng Tsina sa bagong siglo at masayang atmospera ng kapistahan.

Ito ay naglalayong ipakita sa mga manonood ng buong mundo ang isang Bagong Taong Tsino na may elemento ng pagtitipun-tipon at pagkakaisa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method