Palatastas para sa 2022 Spring Festival Gala ng CMG

2022-01-13 17:09:30  CMG
Share with:

Ayon sa Guinness World Records, ang Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) ay ang programang pantelebisyon na may pinakamaraming bilang ng mga manonood sa buong mundo.

Nitong 40 taong nakalipas, ang panonood sa Spring Festival Gala tuwing bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino ay isa nang mahalagang rituwal ng mga pamilyang Tsino sa loob at labas ng bansa.

Sa paparating na Taon ng Tigre, kabilang sa mga pangunahing tema ng nasabing palabas ay harmonya at muling pagtitipun-tipon.

Alinsunod sa mga ito, itatanghal ang mga awit at sayaw, dula-dulaan, opera at katutubong sining na magtataglay ng elementong tigre.

Ihahain sa mga tagatangkilik ang isang kagila-gilalas na gala na may elemento ng pinagsamang tradisyonal at modernong kulturang Tsino.

Para matunghayan ang mapanlikhang diwa ng Tsina, tuwa, at marami pang iba, samahan po ninyo kaming manood ng Year of the Tiger Spring Festival Gala, pinakamalaking taunang pangyayari sa balat ng telebisyon.

Ang gala ay isasahimpapawid sa telebisyon ganap na alas-otso ng gabi (8:00pm), Enero 31, 2022.

Kita-kits!


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method