Sa isang video na ipinalabas nitong Sabado, Enero 15 (local time), 2022, ipinahayag ni Pangulong Milos Zeman ng Czech sa mga lalahok na atleta ng bansa sa 2022 Beijing Winter Olympic Games ang kanyang pagtutol sa pagsasapulitika ng Olimpiyada.
“Mariin kong tinututulan ang paggamit ng pulitika sa ideya ng Olimpiyada,” wika niya.
Saad niya, “Tapat kong sinasabi na ang di-pagsali sa olimpiyada ng ilang payasong pampulitika ay walang anumang epekto sa Beijing Winter Olympics.”
Ayon naman sa Czech Olympic Committee, lilikha ng bagong rekord sa kasaysayan ng Winter Olympics ang bilang ng mga ipapadalang atleta ng bansa.
Hanggang sa ngayon, 113 atleta ang nakatalang lalahok sa Beijing Winter Olympics, at posibleng tataas pa ang bilang na ito, anang komite.
Salin: Lito
Pulido: Rhio