UN, mag-iisyu ng selyo para sa 2022 Beijing Winter Olympics

2022-01-16 10:58:30  CMG
Share with:

Ipinatalastas kamakailan ng United Nations Postal Administration (UNPA) na bilang pagdiriwang sa gaganaping 2022 Beijing Winter Olympic Games, mag-iisyu ito ng selyo na may temang “Palakasan para sa Kapayapaan.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataong mag-iisyu ng selyo ang UN para sa Winter Olympics.

Ayon sa UNPA, magkakahiwalay na ipapakita ng mga selyo ang anyo ng mga atleta ng ice hockey, snowboarding, figure skating, bobsleigh, curling, at alpine skiing.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method