Tickets ng Olympics, hindi na ibebenta sa publiko ayon sa tagapag-organisa ng Beijing 2022

2022-01-18 12:10:23  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong inilabas Lunes, Enero 17, 2022 sa official website ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games, hindi ibebenta sa publiko ang mga ticket para sa Olimpiyada.
 

Sa halip, iimbitahan ng tagapag-organisa ang mga grupo ng manonood sa pagdarausan ng mga paligsahan.

Tickets ng Olympics, hindi na ibebenta sa publiko ayon sa tagapag-organisa ng Beijing 2022_fororder_20220118Beijing2022

Ayon pa sa mga tagapag-organisa, dapat mahigpit na sundin ng mga aanyayahang manonood ang kaukulang kahilingan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya bago, sa gitna at matapos ang paligsahan, at likhain ang magandang kapaligiran para sa maayos na pagdaraos ng mga paligsahan.
 

Ang nasabing kapasiyahan ay ginawa upang igarantiya ang kalusugan at kaligtasan ng mga tauhang may kinalaman sa Olimpiyada at mga manonood.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method