Klaus Schwab: Talumpati ni Xi Jinping, mahalaga para sa kooperasyong pandaigdig

2022-01-18 17:17:24  CMG
Share with:

Dumalo at nagtalumpati sa pamamagitan ng video link nitong Enero 17, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa virtual session ng World Economic Forum (WEF).

Klaus Schwab: Talumpati ni Xi Jinping, mahalaga para sa kooperasyong pandaigdig_fororder_01pangulongxi

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw rin iyon ni Klaus Schwab, Tagapagtatag at Executive Chairman ng WEF, na ang talumpati ni Pangulong Xi ay mahalagang milestone na nagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig.

 

Pinapurihan ni Schwab ang palagay ni Xi na dapat igiit ng iba’t ibang bansa ang tunay na multilateralismo. Sinabi rin niyang unang-una, dapat pasulungin ang kooperasyon ng mga bansa sa larangan ng kalakalan at pagbabago ng klima.

 

Ipinahayag din ni Schwab na sa pamamagitan ng talumpati ni Xi, muling narinig ng buong daigdig ang pangako ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyon ng buong mundo. Patuloy na magsisikap ang Tsina, para pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas, na pakikinabangan ng Tsina at buong daigdig. Buong lakas ding pasusulungin ng Tsina ang pangangalaga sa ekolohiya, na makakatulong sa mabisang pagharap ng buong sangkatauhan sa pagbabago ng klima. Patuloy na makikisangkot ang Tsina sa kooperasyong pandaigdig, na magpapasulong sa pagsasakatuparan ng mas berde at mas enklusibong pag-unlad ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method