Xi Jinping: magkakasamang lumikha ng mas magandang mundo pagkaraan ng pandemiya

2022-01-17 20:32:08  CMG
Share with:

Xi Jinping: magkakasamang lumikha ng mas magandang mundo pagkaraan ng pandemiya_fororder_1128271689_1642417258526

 

Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati ngayong araw, Enero 17, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa virtual session ng World Economic Forum (WEF).

 

Sinabi ni Xi, na sa bagong taon, pag-iibayuhin ng Tsina ang pagsisikap, para pagtagumpayan ang mga kahirapan, pawiin ang mga epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at panumbalikin ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Para lumikha ng mas magandang mundo pagkaraan ng pandemiya, nanawagan siya sa daigdig, na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa paglaban sa COVID-19, pasulungin ang matatag na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, muling pasiglahin ang pandaigdigang usaping pangkaunlaran, at isakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan at mutuwal na kapakinabangan.

 

Binigyang-diin din ni Xi, na igigiit ng Tsina ang pag-unlad sa mataas na antas, reporma't pagbubukas sa labas, at sibilisasyong ekolohikal.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method