Pagtatanghal ng obrang sining kaugnay ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, idinaos

2022-01-19 16:47:38  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos Enero 18, 2022, ang seremoniya ng pagbubukas ng pagtatanghal ng obrang sining bilang pagdiriwang sa Spring Festival at gaganaping Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Itinatanghal sa eksibisyon ang 126 obra maestra ng 115 alagad ng sining na galing sa 43 bansa at rehiyon.

 

Sa kanyang talumpati sa seremoniya, ipinahayag ni Lin Songtian, Puno ng Samahan ng mga Mamamayang Tsino sa Pagkakabigan ng mga Bansang Dayuhan, na ang mga itinatanghal na art works ay hindi lamang nagpapakita ng buong tatag na suporta sa Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, kundi nagpapakita rin ng suporta ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa diwa ng Olimpiyada.

Pagtatanghal ng obrang sining kaugnay ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, idinaos_fororder_04samahan

Si Lin Songtian, Puno ng Samahan ng mga Mamamayang Tsino sa Pagkakabigan ng mga Bansang Dayuhan

(Larawan galing sa website ng Samahan ng mga Mamamayang Tsino sa Pagkakabigan ng mga Bansang Dayuhan)

Ang naturang eksibisyon ay itinaguyod ng Samahan ng mga Mamamayang Tsino sa Pagkakabigan ng mga Bansang dayuhan, at nilahukan ng mga artista mula sa iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method