CMG Komentaryo: Boses ng Tsina sa Davos, sagot sa tanong ng panahon

2022-01-19 16:42:39  CMG
Share with:

Dumalo at nagtalumpati nitong Enero 17, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa video meeting ng 2022 World Economic Forum.

CMG Komentaryo: Boses ng Tsina sa Davos, sagot sa tanong ng panahon_fororder_01davos

Sa kanyang talumpati, iniharap ni Pangulong Xi ang apat na mungkahi at tatlong plano ng aksyon. Maliwanag na nagpapakita ito ng kapasiyahan at pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig, tinukoy ang direksyon para sa paghulagpos ng komunidad ng daigdig sa kasalukuyang mahirap na kalagayan, at lubos na nagpakita ng historikal na responsibilidad niya bilang lider ng malaking bansa.

 

Bukod dito, ipinahayag din sa talumpati ni Pangulong Xi na ang proteksyonismo at unilateralismo ay tiyak na makakapinsala sa sarili at sa iba. Aniya dapat pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng iba’t ibang bansa batay sa pakikitungong may paggagalangan sa isa’t isa.

 

Samanatala, ibinahagi rin ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati ang tatlong ideya: una, buong tatag na pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad, ikalawa, buong tatag na pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas, at ikatlo, buong tatag na pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Ito ay makakatulong sa patuloy na pamumuno ng Tsina sa paglaki ng kabuhayan ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method