Tsina umaasang mapapabilang ang Afghanistan sa pamilya ng komunidad ng daigdig

2022-01-19 16:44:56  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng Afghan Taliban na hinahangad nila ang suporta ng Tsina para matamo ang pagkilala ng komunidad ng daigdig.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 18, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang lalo pang makatutugon ang Afghanistan sa mga ekspektasyon ng komunidad ng daigdig, itatatag ang bukas at inklusibong organong pulitikal, isasagawa ang matatag na patakarang panloob at panlabas, buong tatag na bibigyang-dagok ang iba’t ibang teroristikong puwersa, para makasama sa pamilya ng komunidad ng daigdig sa lalong madaling panahon.

Tsina umaasang mapapabilang ang Afghanistan sa pamilya ng komunidad ng daigdig_fororder_03zhaolijian

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method