Tsina at Biyetnam magkasamang magsisikap para sa kapakinabangan ng mga mamamayan

2022-01-19 16:43:57  CMG
Share with:

Ipinaabot kahapon, Enero 18, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pambati kina Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam, at Pangulong Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam.

 

Binigyan-diin ni Xi na ang Tsina at Biyetnam ay sosyalistang mapagkaibigang magkapitbansa, at bahagi ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran na mayroong estratehikong katuturan. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam, para pamunuan ang pangmatalagan at matatag na relasyon ng dalawang bansa at  makapagbigay ng pakinabang sa kanilang mga mamamayan.

Tsina at Biyetnam magkasamang magsisikap para sa kapakinabangan ng mga mamamayan_fororder_02pangulongxi02

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method