Tsina’t Vietnam, ibayo pang magtutulungan laban sa COVID-19

2021-12-03 09:28:58  CMG
Share with:

Ibayo pang magtutulungan ang Tsina’t Vietnam kontra pandemiya ng COVID-19 ayon sa pag-uusap nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Bui Thanh Son, Ministrong Panlabas ng Vietnam.

 

Tsina’t Vietnam, ibayo pang magtutulungan laban sa COVID-19_fororder_微信截图_20211203101240

Sina Wang Yi (kanan), Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Bui Thanh Son, Ministrong Panlabas ng Vietnam

 

Nagtagpo ang dalawang opisyal Huwebes, Disyembre 2, 2021, sa Anji, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina  

 

Nakahanda ang magkabilang panig na palakasin ang kooperasyon sa paggawa ng bakuna kontra COVID-19.

 

Kaugnay ng pagpapasulong ng kalakalang Sino-Biyetnames, nagtalakayan ang dalawang ministro hinggil sa mga hakbang para matiyak ang katatagan ng mga supply chain.

 

Sumang-ayon din ang Tsina’t Vietnam na hikayatin ang pag-uugnayan sa pagitan ng mga kabataan at mga pamahalaang lokal.

 

Tungkol naman sa relasyong pandagat, na nagsisilbing punto ng tensyon sa kasaysayan, magsisikap ang magkabilang panig na bigyan ng “positibong enerhiya” ang pagtalakay sa naturang isyu.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method