Tagapangulo ng UNGA, lalahok sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics

2022-01-21 16:52:00  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng International Olympic Committee (IOC), dadalo si Abdulla Shahid, Tagapangulo ng Ika-76 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA), sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympic Games at lalahok sa torch relay.

 

Opisyal na isinapubliko ito kahapon, Enero 20, 2022, ng Tanggapan ni Abdulla Shahid. Ang mas maraming detalye ay ilalabas sa malapit na hinaharap, dagdag ng tagapagsalita ng naturang tanggapan.

 

Bukod dito, nanawagan noong umaga ng Enero 20, si Shahid sa iba’t ibang bansa na sundin ang resolusyon ng Olimpiyada sa tigil putukan na inaprobahan ng UNGA noong Disyembre, 2021.

Tagapangulo ng UNGA, lalahok sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics_fororder_02UN

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method