Ipinahayag nitong Miyerkules, Enero 19, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na lumalakas ang inihahayag na suporta ng komunidad ng daigdig para sa ligtas at maalwang pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.
Kasabay nito, nagiging mas malakas din aniya ang tinig ng komunidad ng daigdig sa pagtutol sa pagsasapulitika ng palakasan.
Sa ngayo’y pumasok na sa huling yugto ang paghahanda para sa nasabing Olimpiyada.
Magkakasunod na ipina-abot ng mga politiko, atleta, personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo, International Olympic Committee (IOC), at iba pa, ang kanilang suporta at pananabik sa Beijing Winter Olympics.
Ayon kay Zhao, ipinatalastas kamakailan ng United Nations Postal Administration (UNPA) na bilang pagdiriwang sa gaganaping 2022 Beijing Winter Olympic Games, mag-iisyu ito ng selyo na may temang “Palakasan para sa Kapayapaan.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataong mag-iisyu ng selyo ang UN para sa Winter Olympics.
Bukod pa riyan, maraming ulit na inihayag ni Thomas Bach, Presidente ng IOC, ang kanyang matatag na suporta sa pagdaraos ng Beijing Winter Olympics sa nakatakdang panahon.
Ipinahayag din ng World Health Organization (WHO) ang lubos na kompiyansa nito sa ligtas at maalwang pagdaraos ng nasabing Olimpiyada.
Salin: Lito
Pulido: Rhio