Bandung highway, bukas na

2022-01-25 18:42:51  CMG
Share with:

Idinaos Enero 24, 2022, ang seremoniya ng pagpapasinaya ng Bandung highway ng Indonesiya na itinatag ng kompanyang Tsino.

 

Bilang mahalagang bahagi ng highway network ng islang Java ng Indonesya, ang pagbubukas ng Bandung highway ay makakabuti nang malaki sa kalagayan ng transportasyon ng rehiyong ito at magpapasulong ng pag-unlad ng lokal na kabuhayan.

 

10.5 kilometro ang kabuuang haba ng Bandung highway, at ito ang mahalagang ruta patungo sa bagong paliparan ng Bandung.

 

Sa framework ng kooperasyong pampamahalaan ng Tsina at Indonesiya, ang proyektong ito ay magkasanib na proyekto ng China Road & Bridge Corporation at kumpanyang pag-aari ng pamahalaan ng Indonesiya.

Bandung highway, bukas na_fororder_02highway

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method