Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipag-usap sa diplomatang Indones hinggil sa relasyong bilateral at bakuna

2021-12-06 16:23:48  CMG
Share with:

Nakipag-usap kahapon, Disyembre 5, 2021 si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinator for Cooperation with China at Coordinating Minister ng Indonesiya sa Anji, Probinsya ng Zhejiang, Tsina.
 

Ipinahayag ni Wang na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Joko Widodo, nananatiling mabilis at matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indones.
 

Matagumpay aniyang sinimulan ng dalawang bansa ang mekanismong pandiyalogo sa mataas na antas, at sa pamamagitan nito, lubos na makakapagpalitan ng mga kuru-kuro sa pulitika, kabuhayan, kultura at isyung pandagat ang dalawang panig.
 

Dagdag ni Wang, buong lakas na kinakatigan ng Tsina ang Indonesiya sa pagdaraos ng G20 Summit sa susunod na taon.
 

Ipinahayag naman ni Luhut Binsar Pandjaitan na taos-pusong pinasasalamatan ng Indonesiya ang pagkatig ng Tsina sa bakuna at mga suplay sa paglaban sa pandemiya.
 

Nakahanda aniya ang Indonesiya kasama ng Tsina na pasulungin ang mga pangunahing proyekto ng Belt and Road Initiative at palalimin ang kooperasyon sa imprastruktura, kalakalan at puhunan, kalusugan, berdeng pag-unlad at isyung pandagat. 
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Rhio

Please select the login method