Tsina sa Ameria, hindi hahadlangan ang normal na pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang bansa

2022-01-25 18:41:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkansela ng Kagawaran ng Transportasyon ng Amerika ng 44 na flights ng Chinese airlines mula Amerika patungong Tsina, ipinahayag Enero 24, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa sariling kapakanan, walang batayang kinansela ng Amerika ang naturang mga flights, na sumira sa normal na operasyon ng kompanya ng airlines ng Tsina, at binalewala ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasaherong Tsino at dayuhan, at napaka-iresponsable ng aksyong ito ng Amerika.

 

Hinimok ng Tsina ang Amerika na dapat igalang ang siyensiya, pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga buhay, aktuwal na palakasin ang pagpigil at pagkontrol ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa sarili nitong bansa, itigil ang pagsasapulitika ng pagpigil ng pandemiya sa airline flights, at itigil ang paghadlang sa normal na pagpapalitan ng mga tauhan ng Tsina at Amerika.

Tsina sa Ameria, hindi hahadlangan ang normal na pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang bansa_fororder_01zhaolijian

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method