Ayon sa estadistika na isinapubliko nitong Enero 27, 2022, ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumaki ng 5.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong taong 2021 kumpara sa taong 2020. Mas mataas rin ito kumpara sa naunang pagtaya.
Ayon sa estadistika, sa magkakahiwalay na okasyon, lumaki ng 8.2% at 5.3% ang sector ng industriya at sektor ng serbisyo, na naging pangunahing puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan.
Bukod dito, magkakahiwalay na lumaki ng 12.9% at 7.8% ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa. kumpara sa taong 2020.
Kugnay nito, ipinahayag ni Karl Kendrick Tiu Chua, Direktor-Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) ng Pilipinas, na ang naturang estadistika ay nagpakita na komprehensibong bumabangon ang kabuhayan ng Pilipinas, at mabisa ang hakbangin ng pamahalaan sa pagharap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin:Sarah
Pulido:Mac