Pagbati na pambagong taon sa Tsina, ipinaabot ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN

2022-01-29 14:38:08  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video, ipinaabot nitong Biyernes, Enero 28, 2022 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang pagbati ng Lunar New Year sa lahat ng mga mamamayan sa Tsina at ibang bansang nagdiriwang ng kapistahang ito.
 

Pinasalamatan din niya ang ibinigay na ambag ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa UN.
 

Saad niya, dadalo siya sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics, at inaasahan niya ang ligtas at matagumpay na palaro.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method