Pangkagipitang tulong na materiyal na donasyon ng Tsina sa Tonga, dumating ng Naku'alofa

2022-01-29 11:33:32  CMG
Share with:

Lulan ang mga pangkagipitang tulong na materiyal na donasyon ng Tsina sa Tonga na malubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkan, dumating nitong Biyernes, Enero 28, 2022 sa Naku’alofa, kabisera ng Tonga ang dalawang eroplanong militar ng Tsina.

Kabilang sa nasabing 33 toneladang panaklolong materiyal ay ang pagkain, tubig-inumin, tolda, personal na kagamitang pamproteksyon, walkie-talkies, at iba pa.

Tinanggap sa paliparan nina Punong Ministro Siaosi Sovaleni at Ministrong Panlabas Fekitamoeloa Katoa ‘Utoikamanu ng Tonga ang naturang mga materiyal.

Ipinahayag ni Siaosi Sovaleni na napapanahon ang mga ibinigay na materiyal ng Tsina. Tinutugunan aniya ng mga ito ang lubos na pangangailangan ng mga mamamayan ng Tonga.

Dagdag pa niya, ang Tsina ay unang bansang nagkaloob ng disaster relief supplies sa Tonga.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method