Hilagang Korea, muling naglunsad ng di-kilalang projectile--panig militar ng Timog Korea

2022-01-30 12:30:16  CMG
Share with:

Sinabi Linggo, Enero 30, 2022 ng Joint Chiefs of Staff (JCS) ng Timog Korea na inilunsad nang araw ring iyon ng Hilagang Korea ang di-pa nakikilalang projectile patungo sa silangang karagatan ng Korean Peninsula.
 

Bukod pa riyan, inihayag naman kaninang umaga ng Ministri ng Depensa ng Hapon na ang inilunsad na projectile ng Hilagang Korea ay posibleng ballistic missile, at kinokolekta ngayon ng panig Hapones ang mga impormasyon para alamin kung ano ang epekto sa Hapon ng naturang paglulunsad.
 

Sa kasalukuyang buwan, isinagawa ng Hilagang Korea ang 6 na missile test, na kinabibilangan ng paglulunsad ng tig isang hypersonic missile noong Enero 5 at Enero 11, dalawang railway-borne short-range ballistic missile noong Enero 14, dalawang tactical guided missile noong Enero 17, isang long-range cruise missile nitong Enero 25 at isang surface-to-surface tactical guided missile nitong Enero 27.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method