Pagbating pambagong-taon, ipinaabot ng mga lider ng daigdig

2022-01-31 12:26:10  CMG
Share with:

Ngayong araw, Enero 31, 2022 ay Chinese New Year's eve sa Kalendaryong Tsino. Sa okasyong ito, ipinaabot ng mga lider ng mga bansa ang pagbating pambagong-taon.

Sa kanyang bating pambating-taon, sa pamamagitan ng China Media Group (CMG), bumati ng mas maraming tagumpay at kalusugan si Ana Brnabic, Punong Ministro ng Serbia, sa Tsina at mga mamamayang Tsino.

Ipinahayag din niya ang lubos na kompiyansa sa isang kamangha-manghang Olimpiyada ng Taglamig sa Beijing.

Sa kanya namang mensaheng pambagong-taon, ipinaabot ni Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon ang kanyang pinakamabuting pagbati sa mga komunidad na Tsino na namumuhay at nagtatrabaho sa Hapon.

Bukod pa riyan, sa ngalan ng pamahalaan at kanyang sarili, bumati si Pangulong Carlos Alvarado ng Costa Rica ng kasaganaan, kalusugan, at katahimikan sa mga komunidad na Tsino sa Central American countries.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method