Mensahe, ipinadala ni Xi Jinping kay Reyna Elizabeth II ng Britanya bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng kanyang pagluklok sa trono

2022-02-07 11:19:05  CMG
Share with:

Mensahe, ipinadala ni Xi Jinping kay Reyna Elizabeth II ng Britanya bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng kanyang pagluklok sa trono_fororder_20220207British640

Isang mensahe ang ipinadala nitong Linggo, Pebrero 2, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Reyna Elizabeth II ng Britanya bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng kanyang pagluklok sa trono.

Tinukoy ni Xi na sa mahabang panahon, binibigyang-pansin at sinusuportahan ni Reyna Elizabeth II ang pagkakaibigang Sino-Britaniko na nagsisilbing tagapagsulong at suporta sa pag-unlad ng relasyong Sino-Britaniko.

Aniya pa, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Britanya, at umaasa siyang sasamantalahin ng kapuwa panig ang pagkakataong ito upang mapalalim ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan, mapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan, magkasamang mapasulong ang pagkakaisang pandaigdig, makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng mga bagong ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, kasaganaan, at kaunlarang pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method