Transportasyon ng abiyasyon ng Tsina sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, ligtas at maayos

2022-02-07 18:01:40  CMG
Share with:

Ayon sa inisyal na estadistika, kaugnay ng bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol sa taong 2022 (mula Enero 31, 2022 hanggang Pebrero 6, 2022), umabot sa mahigit 5  milyong person time ang lahat ng pasehero ng abiyasyon ng Tsina, at ito’y lumaki ng 40.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021.

 

Bukod dito, 62,744 ang bilang ng paglipad sa nasabing panahon ng bakasyon, na lumaki ng 33.3% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.

 

Ayon sa namamahalang tauhan ng Civil Aviation Administration ng Tsina, aktuwal na pinataas ng iba’t-ibang kinauukulang departamento ang kakayahan at lebel ng serbisyo, para igarantiya ang kaligtasan at kaayusan ng transportasyon sa bakasyon.

Transportasyon ng abiyasyon ng Tsina sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, ligtas at maayos_fororder_04minhang

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method