Bilang pagdiriwang sa pinakamahalagang kapistahang ito sa Tsina, ini-ere nitong Lunes ng gabi, Enero 31, 2022 ang 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG), at ito ay naging ika-40 Spring Festival Gala, sapul nang unang gawin ang taunang TV program na ito noong 1983.
Ginamit sa Gala ang mga sulong na kagamitan at teknolohiya, na gaya ng isang napakalaking 720-degree curved LED screen, extended reality (XR), augmented reality (AR), holographic scanning, at 8K naked-eye 3D rendering na nakapagbigay ng kamangha-manghang biswal na karanasan sa mga manonood kapwa sa loob ng istudyo at sa harapan ng telebisyon.
Ayon sa inisyal na estadistika, hanggang nagtapos ang 2022 Spring Festival Gala noong hating-gabi ng Enero 31, umabot sa 21.93% ang average rating ng nasabing pagtatanghal sa plataporma ng telebisyon. Umabot naman sa mahigit 4.93 bilyon ang bilang ng mga on-demand users sa new media platform.
Bukod pa riyan, nagsagawa ng live coverage at nagbalita sa naturang Spring Festical Gala ang mahigit 600 media ng mahigit 170 bansa’t rehiyon na tulad ng Amerika, Kanada, Pransya, Italya, Rusya, Hapon, Brazil, Australia, India, Singapore at Timog Aprika.
Salin: Lito
Pulido: Mac