Kasabay ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, naging sikat na sikat ang maskot na si Bing Dwen Dwen. Dahil sa kasikatan niya, sobrang tumaas ang pangangailangan, at naging mahirap ang pagbili nito sa kapuwa sa mga tindahan at online platform.
Kasabay ng pagdiriwang ng tradisyonal na Spring Festival at Beijing Winter Olympics, sumigla ang merkado ng konsumo ng Tsina.
Nang mag-bid ang Tsina sa 2022 Winter Olympics noong 2015, iniharap nito ang target na pagsali ng 300 milyong mamamayan sa palakasan ng yelo’t niyebe.
Sa kasalukuyan, naisakatuparan na ang naturang target.
Hanggang noong Oktubre 2021, 346 milyong Tsino ang sumali sa palakasan ng yelo’t niyebe, at umabot sa 24.56% ang participation rate.
Samantala, komprehensibo ring napataas ang industriya ng yelo’t niyebe ng bansa na gaya ng palakasan, turismo, pasilidad, at pamumuhunan.
Ayon sa pagtaya ng China Tourism Academy, may pag-asang aabot sa 323.3 bilyong yuan RMB ang kita ng paglilibang at paglalakbay sa yelo’t niyebe ng Tsina mula taong 2021 hanggang 2022.
Dahil sa tuluy-tuloy na pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, pambihira ang ganitong masiglang merkado ng konsumo sa bakasyon.
Ito’y nangangahulugang na magtatamasa rin ng mas maraming pagkakataon ang mga kompanyang pandaigdig mula sa patuloy na tumataas na pangangailangan ng merkadong Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Rhio