Nitong Pebrero 4, itinanghal ang kagila-gilalas na seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, at ipinamalas sa buong daigdig ang romantikong pagtitipun-tipon sa yelo’t niyebe.
Aktibong sumali sa nasabing seremonya ang mga tauhan ng iba’t-ibang departamento ng China Media Group (CMG) para igarantiya ang perpektong pagsasahimpapawid ng seremonyang ito.
Ang Punong Direktor ng “Nation's Greatest Treasures” ng CMG na si Yu Lei ay ang punong manunulat sa seremonya ng pagbubukas.
Si Chen Yan, Art Direktor ng seremonya ng pagbubukas, ay galing din sa CMG.
Ang mga broadkaster sa tatlong lengguaheng kinabibilangan ng Mandarin, Ingles at Pranses sa seremonya ng pagbubukas ay ipinadala rin ng CMG.
Kasali rin sa nasabing seremonya ang mga mamamahayag at technician ng CMG.
Salin: Vera
Pulido: Rhio