Bagong kalagayan ng kooperasyong Sino-Sri Lankan, lilikhain

2022-02-09 16:51:44  CMG
Share with:

Ang Pebrero 7, 2022, ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Sri Lanka, at ang taong ito, ang siya ring ika-70 anibersaryo ng pagkakalagda ng Rubber-Rice Pact ng dalawang bansa.

 

Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Qi Zhenhong, Embahador ng Tsina sa Sri Lanka, na ang Tsina at Sri Lanka ay mayroong tradisyonal na pagkakaibigan.

 

Nitong nakaraang 65 taon, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, mabilis at mabuting umunlad ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t-ibang larangan, saad ni Qi.

 

Bukod dito, malawak at malaki aniya ang espasyo ng kooperasyon ng Tsina at Sri Lanka sa hinaharap.

Bagong kalagayan ng kooperasyong Sino-Sri Lankan, lilikhain_fororder_05srilanka

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method