Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Sri Lanka, ipinadala ang mensaheng pambati sa isa’t-isa; pagtutulungan patuloy sa loob ng 65 taon

2022-02-09 10:22:15  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Lunes, Pebrero 7, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Gamini Lakshman Peiris, Ministrong Panlabas ng Sri Lanka, ang mensahe sa isa’t-isa bilang pagbati sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ipinahayag sa mensahe ni Wang na nitong 65 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, palaging nagtutulungan sa isa’t-isa ang Tsina at Sri Lanka, bagay na nakalikha ng modelo ng mapagkaibigang pakikipamuhayan ng malaki at maliit na bansa.

Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng Sri Lanka para mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at mapalawak ang komong kapakanan ng kapwa bansa.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Peiris na nasa eksaktong panahon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakalagda ng “Rubber-Rice Pact” ang ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Sri Lanka at Tsina.

Aniya, nitong mga taong nakalipas, napakabilis na umuunlad ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa, bagay na nakakapaghatid ng komong kapakanan sa kapwa panig.

Umaasa aniya si Peiris na magsisikap kasama ni Wang Yi upang ibayo pang mapalalim at mapalawak ang tradisyonal na pagkakaibigan at estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method