CMG Komentaryo: Amerika, pinakamalaking tagasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait

2022-02-09 16:18:48  CMG
Share with:

Inaprobahan nitong Pebrero 7, 2022 ng panig Amerikano ang planong pagbebenta ng sandata sa Taiwan na nagkakahalaga ng halos $USD 100 milyon. Ito ang ika-2 beses nang pagbebenta ng sandata sa Taiwan, sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano.
 

Paulit-ulit na lumalabag ang Washington sa pangakong pulitikal nito na di-susuportahan ang anumang puwersang nananangan sa pagsasarili ng Taiwan, at madalas ding nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng Taiwan card.
 

Ipinakikita ng ganitong masamang kilos ng panig Amerikano na ito ang pinakamalaking tagasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
 

Ang isyu ng Taiwan ay pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa relasyong Sino-Amerikano.
 

Maraming beses nang ipinangako ng pamahalaan ni Joe Biden na igigiit ang patakarang Isang Tsina, pero ito’y sa salita lamang at wala sa gawa.
 

Dapat totoong sundin ng Amerika ang patakarang Isang Tsina, agarang ibasura ang mga aktibidad at plano ng pagbebenta ng sandata sa Taiwan, ihinto ang pakikipag-ugnayang militar sa Taiwan, at huwag sirain ang kapakanan ng Tsina, gamit ang separatistang puwersang nananangan sa pagsasarili ng Taiwan.
 

Kung hindi, tiyak na isasagawa ng panig Tsino ang lehitimo’t mabisang hakbangin, para ipagtanggol ang sariling soberanya at kapakanang panseguridad.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method