TCM, nagbibigay-suporta sa kondisyong pangkalusugan ni Gu Ailing, kampeon ng Women's Freestyle Skiing Big Air

2022-02-10 16:09:39  CMG
Share with:

Sa Women's Freestyle Skiing Big Air event ng Beijing 2022 Olympic Winter Games na ginanap nitong Pebrero 8, napasakamay ng atletang Tsinong si Gu Ailing ang medalyang ginto.
 

Bilang isa sa mga extreme sports, napakamapanganib at masalimuot ang freestyle skiing. Bukod sa namumukod na talento, masigasig na pagsasanay at siyentipikong dyeta, masusing masusi rin ang pagpigil sa sugat at sakit, at siyentipikong paggaling pagkatapos ng kapinsalaan sa katawan.

TCM, nagbibigay-suporta sa kondisyong pangkalusugan ni Gu Ailing, kampeon ng Women's Freestyle Skiing Big Air_fororder_20220210TCM1

Sa likod ng tagumpay ni Gu, malaki ang ibinigay na suporta ng mga dalubhasa sa orthopedics at traumatology ng Traditional Chinese Medicine (TCM).
 

Noong 2019, sumakit ang baywang ni Gu pagkatapos ng isang pagsasanay. Inanyayahan ng ina ni Gu ang TCM doktor na si Dong Liangjie para gamutin ang atleta, sa pamamagitan ng pagmamasahe.

TCM, nagbibigay-suporta sa kondisyong pangkalusugan ni Gu Ailing, kampeon ng Women's Freestyle Skiing Big Air_fororder_20220210TCM2

Si Dong Liangjie ngayon ay doktor ng pambansang koponan ng Tsina sa 2022 Winter Olympics, at nagkakaloob siya ng garantiyang medikal para sa mga koponan ng slopestyle at halfpipe skiing.

Si Zhu Jiangwei na galing sa Orthopedic Hospital ng Lalawigang Sichuan ay doktor naman ng koponan ng freeski big air at slopestyle ng Tsina. Bukod sa panggagamot sa pamamagitan ng katangi-tanging pamamaraan ng TCM orthopedics, ibinibigay rin niya ang mga mungkahi sa mga atleta hinggil sa mga hakbanging pamproteksyon at pamprebensyon.

TCM, nagbibigay-suporta sa kondisyong pangkalusugan ni Gu Ailing, kampeon ng Women's Freestyle Skiing Big Air_fororder_20220210TCM3

Ang mahusay na gawain niya ay nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsali ni Gu Ailing sa mga paligsahan sa pinakamagandang kondisyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method