Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)

2022-02-10 14:39:07  CMG
Share with:

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209Olimpiyada640

Ang Olympic Winter Games ay pinakamalaking palaro sa taglamig sa buong daigdig.

Idinaraos ito kada 4 na taon sa iba’t-ibang lugar ng daigdig sa pagtataguyod ng International Olympic Committee (IOC).

Kasalukuyang idinaraos sa Beijing ang Olimpiyada ng Taglamig na naging ika-24 na Winter Olympics.

Narito ang kasaysayan ng nakaraang 23 Winter Olympics.

Unang Olimpiyada ng Taglamig — Chamonix Winter Olympics (mula Enero 25 hanggang Pebrero 5, 1924)

Noong taong 1921, ipinasiya ng International Olympic Committee (IOC) na idaos sa Chamonix, Pransya ang aktibidad ng “Linggo ng Pandaigdigang Palakasan sa Taglamig sa 1924.”

2 taon matapos ang nasabing aktibidad, opisyal na ipinahayag ng IOC na ang nasabing paligsahan ay unang Winter Olympics.

Sa unang event ng 500m Speed Skating ng nasabing Olimpiyada, nasungkit ng atletang Amerikano na si Charles Jewtraw ang medalyang ginto na naging unang medalyang ginto sa kasaysayan ng Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiYi640

Si Charles Jewtraw, atletang Amerikano na nagwagi ng unang medalyang ginto sa kasaysayan ng Winter Olympics.
 

Ikalawang Olimpiyada ng Taglamig — St. Moritz Winter Olympics (mula Pebrero 11 hanggang Pebrero 19, 1928)

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiEr640

Tagpo sa stadium habang naglalaban ang koponan ng Kanada at Sweden sa hockey event.
 

Ikatlong Olimpiyada ng Taglamig — Lake Placid Winter Olympics (mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 15, 1932)

Sapul nang magsimula ang Olimpiyada ng Taglamig noong taong 1924, ang Lake Placid Winter Olympics ay idinaos sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinenteng Amerikano.

Dahil sa katatapos na resesyong pangkabuhayan sa buong mundo, naharap sa napakalaking kahirapang ekonomiko ang paghahanda para sa Olimpiyadang ito.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiSan640

Noong Pebrero 4, 1932, idinaos ang seremonya ng pagbubukas ng Lake Placid Winter Olympics.
 

Ika-4 na Olimpiyada ng Taglamig — Garmisch- Partenkirchen Winter Olympics (mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 16, 1936)

Sa Olimpiyadang ito, bunga ng pagkakaloob ng host ng mabisang serbisyong pangkomunikasyon, sinubaybayan at nanatili hanggang huling araw ng paligsahan ang mga 500 libong manonood.

Ito ay isang pambihirang kaganapan sa kasaysayan ng Olimpiyada sa panahong nagsisimula ito.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiSi640

Noong Pebrero 6, 1936, binuksan sa Garmisch- Partenkirchen, Alemanya ang ika-4 na Olimpiyada ng Taglamig.
 

Ika-5 Olimpiyada ng Taglamig — St. Moritz Winter Olympics (mula noong Enero 30 hanggang Pebrero 8, 1948)

Nakatakda sanang idaos noong taong 1940 sa Sapporo, Hokkaido ng Hapon ang ika-5 Olimpiyada ng Taglamig.

Ngunit, dahil sa pananalakay ng Hapon at paglulunsad ng digmaan sa Tsina noong taong 1937, ipinatalastas ng pamahalaang Hapones na di nila kayang itaguyod ang Sapporo Winter Olympics, at ang St. Moritz, Switzerland ang nagsilbing kahaliling lunsod na pinagdausan ng Olimpiyadang ito.

Matapos ang 4 na buwan, sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, at sapilitang kinansela ang susunod na 2 Winter Olympics.

Hanggang noong taong 1948, muling idinaos sa St. Moritz ang unang Olimpiyada ng Taglamig pagkaraan ng World War II. Bilang parusa sa paglulunsad ng digmaang ito, ipinagbawal ang pagsali sa Olimpiyadang ito ng Hapon at Alemanya.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiWu640

Seremonya ng pagbubukas ng St. Moritz Winter Olympics noong Enero 30, 1948.
 

Ika-6 na Olimpiyada ng Taglamig — Oslo Winter Olympics (mula noong Pebrero 14 hanggang Pebrero 25, 1952)

Sa Oslo Winter Olympics, sinindihan ang Olympic flame mula sa apuyan ng tahanan ng isang bantog na skier ng Norway na si Sondre Norheim.

Makaraang dalhin ang apoy sa pamamagitan ng relay ng 94 na skiers, dinala ang Olympic flame sa main stadium.

Ito ang unang pormal na Olympic flame sa kasaysayan ng Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiLiu640

Idinaos sa Oslo, Norway noong Pebrero 14, 1951 ang seremonya ng pagbubukas ng ika-6 na Olimpiyada ng Taglamig. Sinindihan ni Eigil Nansen, skier ng Norway ang Olympic flame.
 

Ika-7 Olimpiyada ng Taglamig — Cortina Winter Olympics (mula Enero 26 hanggang Pebrero 5, 1956)

Dahil sa unang paglahok ng Soviet Union sa Cortina 1956 Winter Olympics, may espesyal na katuturan ang Olimpiyadang ito.

Sa nasabing Olimpiyada, nalampasan ng Soviet Union ang lahat ng kalaban na nanguna sa medal tally.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiQi640

Idinaos sa Cortina, Italya noong Enero 26, 1956 ang seremonya ng pagbubukas ng ika-7 Olimpiyada ng Taglamig.
 

Ika-8 Olimpiyada ng Taglamig — Squaw Valley Winter Olympics (mula Pebrero 18 hanggang Pebrero 28, 1960)

Dahil sa kakulungan ng instalasyon at istadium, hindi maalwan ang proseso ng paghahanda para sa Squaw Valley 1960 Winter Olympics.

Walang arenang kompetisyon para sa sled, kaya sa kauna-unahan at tanging pagkakataon, walang sled event sa naturang Olimpiyada ng Taglamig.

Balik-tanaw ng mga nakaraang Olimpiyada ng Taglamig (Bahagi 1)_fororder_20220209DiBa640

Pangkalahatang tanawin ng Squaw Valley 1960 Winter Olympics noong Pebrero, 1960.


Salin: Lito
Pulido: Mac
Litrato: VCG

Please select the login method