Kalakalan ng Tsina at Argentina noong nagdaang 50 taon, lumaki ng halos 3,000 ulit

2022-02-11 12:09:33  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Argentina, at sa panahong ito, lumaki ng 2,333 ulit ang bilateral na kalakalan.
 

Kaugnay nito, tinukoy kahapon, Pebrero 10, 2022 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komeryo ng Tsina na nananatiling malusog at matatag ang relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.
 

Sa katatapos na pagdalaw ni Pangulong Alberto Fernandez ng Argentina sa Tsina, nilagdaan ng kapuwa panig ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at pormal na sumali ang Argentina sa Belt and Road Initiative.
 

Bukod dito, mahalagang komong palagay ang narating kamakailan ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibo’t estratehikong partnership.
 

Saad ni Gao, ito ay nakapagpatnubay ng direksyon para sa pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng kapuwa panig, at nakapagkaloob ng bagong pagkakataon din para sa pagpapalakas ng pamumuhunan at kooperasyon ng kapuwa panig sa mga bagong sibol na larangang gaya ng digital economy at berdeng pag-unlad.
 

Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), inihayag naman ni Pangulong Fernandez na lipos siya ng kompiyansa sa prospek ng kooperasyon ng kapuwa panig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method