Kaugnay ng pagyao ni dating Pangulong Kenneth Kaunda ng Zambia, nagpadala nitong Martes, Hunyo 22, 2021 ng mensahe ng pakikiramay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Zambian counterpart na si Edgar Lungu.
Tinukoy ni Xi na si Ginoong Kaunda ay kilalang lider ng aktibidad ng pagsasarili, estadista at social activist ng Aprika, at siya rin ang tagapagtatag ng relasyong Sino-Zambian. Laging maaalala aniya ng mga mamamayang Tsino ang ibinigay na ambag niya para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag ni Xi, nakahanda siyang palalimin, kasama ni Pangulong Lungu, ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Zambia, palawakin ang mapagkaibigang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Frank