Tsina at Mexico, magkasamang magsisikap para sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig

2022-02-14 16:57:50  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Mexico, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't-isa Pebrero 14, 2022, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Marcelo Ebrard Casaubón ng Mexico.

 

Ipinahayag ni Wang na nitong 50 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, matatag na umuunlad ang relasyon ng dalawang panig tungo sa tumpak na direksyon.

Tsina at Mexico, magkasamang magsisikap para sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig_fororder_03wangyi

Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Mexico, upang sundin ang pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, tungo sa walang humpay na pagpapa-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Mexico.

 

Sinabi naman ni Casaubon na matatag ang pagkakaibigan ng Tsina at Mexico, at ananalig siyang tiyak na magpapatuloy ang magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa kaugnay ng mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method