IAEA, sisiyasatin ang Fukushima nuclear plant sa Pebrero 15

2022-02-14 17:00:21  CMG
Share with:

Idinaos Pebrero 14, 2022, ang talastasan ng grupo ng mga dalubhasa ng International Atomic Energy Agency (IAEA) at opisyal ng Ministri ng Ekonomiya, Kalakalan at Industriya ng Hapon, hinggil sa isyu ng pagpapakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat ng Fukushima nuclear plant.

 

Ayon sa plano, sisiyasatin ng grupo ng mga dalubhasa ng IAEA ang Fukushima nuclear plant sa Pebrero 15, 2022.

 

Makikipagpalitan sila ng kuru-kuro sa mga kinauukulang panig na kinabibilangan ng Tokyo Electric Power Company.

 

Ipinahayag ng IAEA na pagsusumikapan nilang maging siyentipiko, obdiyektibo at mapagkakatiwalaan ang imbestigasyong ito, at magpapakita ng balanseng impormasyon sa mundo.

IAEA, sisiyasatin ang Fukushima nuclear plant sa Pebrero 15_fororder_05iaea

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method