Pagpapatupad ng mandato ng IAEA sa isyu ng nuclear contaminated water ng Fukushima, sinusuportahan ng Tsina

2021-09-14 16:01:10  CMG
Share with:

Inihayag nitong Lunes, Setyembre 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagsuporta ng panig Tsino sa pagpapatupad ng mandato ng International Atomic Energy Agency (IAEA)  sa isyu ng paghawak sa nuclear sewage ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ng Hapon, batay sa papel na dapat nitong gampanan at lubos na pagdinig ng kuru-kuro ng mga stakeholders.
 

Ayon sa ulat ng Associated Press ng Amerika, inihayag nitong Setyembre 9 ni Lydie Evrard, Pangalawang Direktor Heneral ng IAEA, na isasagawa ng technical working team na binuo ng kanyang ahensya ang pagtasa sa seguridad ng paghawak sa nuclear sewage ng Fukushima.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na sasali sa nasabing working team ang mga dalubhasa ng Tsina, Timog Korea, Rusya at iba pang bansa.
 

Diin niya, dapat tumpak na pakitunguhan ng panig Hapones ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig, ibasura ang maling desisyon hinggil sa pagtatapon ng nuclear contaminated water sa dagat, at itigil ang pagpapasulong sa iba’t ibang gawaing preparatoryo.
 

Bago makipagsanggunian sa mga stakeholders at kaukulang organisasyong pandaigdig at magkaisa ng palagay, hindi dapat simulan ng panig Hapones ang pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method