Gu Ailing, napasakamay ang medalyang pilak sa women's freestyle skiing slopestyle ng Beijing 2022

2022-02-15 16:35:08  CMG
Share with:

Xu Mengtao, natamo ang medalyang ginto sa freestyle skiing women's aerials ng Beijing Winter Olympics

 

Napasakamay ngayong araw, Pebrero 15, 2022 ng atletang Tsinong si Gu Ailing ang medalyang pilak sa women's freestyle skiing slopestyle event ng Beijing 2022 Winter Olympics.

 

Ito ang kanyang ikalawang medalya sa kasalukuyang Olimpiyada, pagkaraan ng pagiging kampeon sa big air event noong nagdaang linggo.

 

Xu Mengtao, natamo ang medalyang ginto sa freestyle skiing women's aerials ng Beijing Winter Olympics

 

Sa paligsahang naganap sa Genting Snow Park sa Zhangjiakou, co-host city ng Beijing Winter Olympics, nakamit ni Gu ang kanyang pinakamataas na iskor na 86.23 sa ikatlong round. Ito ay bahagyang mas mababa kaysa 86.56 na natamo ni Mathilde Gremaud, atleta ng Switzerland na nakakuha ng medalyang ginto.

 

Si Kelly Sildaru ng Estonia naman ay nasa ikatlong puwesto sa iskor na 82.06.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method